Hi! Lilipat na po kami sa bagong webhost. Paki-abangan na lamang po itong Blogger namin sa mga update tungkol sa kung saan kami lilipat. SUKANG SUKA na kasi kami sa image size limit dito. Hindi naman ma-upload ng maayos ang aming mga komiks. Kadalasan maliit - o pixelated. Kaya lilipat kami sa isang webhost kung saan mababasa niyo ang "Dead Balagtas" ng maayos.
-Emiliana Kampilan
Saturday, December 7, 2013
Wednesday, December 4, 2013
Sunday, November 10, 2013
Kyut, Marcela. NGUNIT HINDI!
Si Marcela MariƱo de Agoncillo ay kilala sa pagtahi ng watawat ng Pilipinas. Ngunit hindi lamang ito ang dahilan Kung bakit hinirang ang butihing Ginang mula sa Batangas na isang BAYANI. Sinuportahan niya ang rebolusyon noong 1896 at ginawang 'asylum' o takbuhan ng mga Pilipinong pinatapon sa Hong Kong ang kaniyang tirahan. Pinondohan niya ang mga Katipunero bagamat sila ng kaniyang pamilya ay pinatapon ng mga Espanyol sa Hong Kong.
Si Aguinaldo ang 'nagconceptualize' ng disensyo ng watawat, at mahigit LIMANG araw na pinaghirapan nina Gng. Agoncillo ito sa kaniyang tahanan sa Wan Chai, Hong Kong. PERSONAL niya itong ibinigay Kay Aguinaldo noong Mayo 17, 1898, bago sumakay ang Heneral sa barkong Mc Collough.
Na 'bankrupt' sina Marcela Agoncillo Dahil sa kanilang mga rebolusyonaryong aktibidad at sa pinansiya ng mga diplomatikong gawain ng asawa niyang si Don Felipe (kapwa rebolusyonaryo niya), at umuwi mula sa Hong Kong sa kanilang bahay sa Malate. Ngunit di rito nagtatapos ang kabayanihan ni Marcela. Patuloy niyang sinuoportahan ang mga rebolusyonaryong Pilipino hanggang sa kaniyang kamatayan noong Mayo 30, 1946.
Tuesday, November 5, 2013
Wednesday, October 16, 2013
Sunday, August 25, 2013
Unang Kumag sa Pugadlawin
Pinakamataas na pagpupugay sa mga bayani - kilala man o Hindi - na para sa bayang ito'y nag buwis ng buhay! Pagpupugay din sa mga araw na to'y pupunta sa Luneta para ipaglaban ang abolisyon ng pork barrel.
Karagdagang impormasyon lamang mga kaibigan, ang "Dead Balagtas" ay mayroon ng opisyal na Facebook Page. Nawa'y subaybayan niyo ito. I click Lang ang link sa baba para sa Facebook page. At maligayang ika-90 na kaarawan kay Seferina Pedro, ang aking lola!
Saturday, August 17, 2013
Baha Comics 1
Napakainspiring ng kanta na to at ng panahon:
Feb 21, 2011 - Uploaded by Juan Dela Cruz
Thursday, August 15, 2013
Monday, August 12, 2013
Ang Pakapanganakan ni Lam-ang
Mga bata pamilyar ba kayo sa epiko ng Biag ni Lam-ang? Kung Hindi, basahin niyo na. Buwan ng Wika Nayong Agosto, tamang-Tama. Noong isinilang daw si Lam-ang, agad siyang nakapagsalita at pinangalanan niya ang sarili niya. Ayos diba?
Friday, August 9, 2013
Wednesday, July 31, 2013
Friday, July 26, 2013
Nasan ang HUSTISYA sa Law School, Ser?
Weekly Motivation for July 26, 2013.
If reciprocity is the way of the law, bakit laging kawawa ang mga law school student kahit anong sipag?
Nagiging sobrang therapeutic para sakin ng pagdro-drawing nitong mga nakaraang buwan. As in. Namimiss ko na magwater-kulay.
Wednesday, July 24, 2013
Sunday, July 21, 2013
Thursday, July 11, 2013
Wednesday, May 15, 2013
Ang mga Talaarawan ni Rizal
Ang unang comic ay tungkol sa kabataan ni Rizal. Sigurado kung kabataan si Rizal ngayon, isa rin siyang avid na blogger. At hindi lang yon, sa dinami-dami ng nasulat niya sa kaniyang mga talaarawan (diary/journal), tumpak puro status update at tweets si kuya. Oo nga pala, mahilig nga rin pala siyang magpadala ng sulat sa mga kapamilya't kaibigan niya; magpepeysbuk din yon.
Subscribe to:
Posts (Atom)