Si Marcela MariƱo de Agoncillo ay kilala sa pagtahi ng watawat ng Pilipinas. Ngunit hindi lamang ito ang dahilan Kung bakit hinirang ang butihing Ginang mula sa Batangas na isang BAYANI. Sinuportahan niya ang rebolusyon noong 1896 at ginawang 'asylum' o takbuhan ng mga Pilipinong pinatapon sa Hong Kong ang kaniyang tirahan. Pinondohan niya ang mga Katipunero bagamat sila ng kaniyang pamilya ay pinatapon ng mga Espanyol sa Hong Kong.
Si Aguinaldo ang 'nagconceptualize' ng disensyo ng watawat, at mahigit LIMANG araw na pinaghirapan nina Gng. Agoncillo ito sa kaniyang tahanan sa Wan Chai, Hong Kong. PERSONAL niya itong ibinigay Kay Aguinaldo noong Mayo 17, 1898, bago sumakay ang Heneral sa barkong Mc Collough.
Na 'bankrupt' sina Marcela Agoncillo Dahil sa kanilang mga rebolusyonaryong aktibidad at sa pinansiya ng mga diplomatikong gawain ng asawa niyang si Don Felipe (kapwa rebolusyonaryo niya), at umuwi mula sa Hong Kong sa kanilang bahay sa Malate. Ngunit di rito nagtatapos ang kabayanihan ni Marcela. Patuloy niyang sinuoportahan ang mga rebolusyonaryong Pilipino hanggang sa kaniyang kamatayan noong Mayo 30, 1946.